lumuha ang
langit:
madaling
araw,
madilim ang
kapaligiran,
tahimik ang
mundo...
...nang
bumagsak
ang unang
patak...
at ngayo'y
kulay-abo
ang
langit;
wari'y nawalan
ng buhay,
ng pag-asa.
sarado na
ang aklat,
tapos na
ang huling
kabanata,
tikom na
ang mga
labing
nagsabing
tayo'y
malaya na.
sa gitna
ng
pagluluksa,
ating
gunitain
ang kadakilaan
ng kahapon,
ang katapangan
ng nakaraan...
dahil may
mga bagay
na 'di
naaagaw ng
kamatayan.
luha ma'y
dumaloy,
magkagulo man
sa paligid,
alam naman
naming lahat
ligtas ka na.
wala nang sakit,
wala nang agam-agam,
wala nang kaba,
wala nang takot,
wala nang kalungkutan.
paalam, ina
ng demokrasya;
paalam, tiya
ng bayang
kinagisnan.
nasaan ka man
ibaon ninyo
ang aming
mga
ala-ala.
dahil
lumuha man
ang langit
hindi ka na
nag-iisa.
In Memoriam:
Corazon Cojuangco Aquino
1933 - 2009
Pangulo ng Pilipinas
1986 - 1992
Corazon Cojuangco Aquino
1933 - 2009
Pangulo ng Pilipinas
1986 - 1992
No comments:
Post a Comment